Nov 2014 Monthly Challenge (CLOSED)

5 min read

Deviation Actions

Pinoy-Anime-Artists's avatar
Published:
4.5K Views
Welcome to :iconpinoy-anime-artists:!!



:star: Winner for the Month of October :star:

:thumb490334294:
by NoreenHannah08



Natakot talaga ko dito kasi nangyayari siya sa totoong buhay!


At nanalo rin si NoreenHannah08 ng 100 :points: galing sa isang donator!




:star: Monthly Challenge :iconblacksparklesplz:



Theme for this November:

Music




:star: Rules
  1. Ipakita sa entry mo ang tema ng Monthly Challenge.

    Medyo espesyal ang tema ngayon para sa October dahil ang naakatakot para sa iyo ay pwedeng hind nakakatakot para sa iba!

    Walang tema ng patayan/sakitan/saksakan, etc. at tsaka bawal ang masyadong nakakadiri na as in labas yung bituka, etc. Please sumunod pa rin sa deviantART rules para hindi tayo lahat ma-ban sa site na ito..

  2. Kailangang certified anime artwork ang entry mo.

    Kelan magiging certified anime yon? Kapag may anime character na naka-drawing syempre! Pwedeng original character mo or paboritong anime character ang nasa artwork mo.

    Hindi kailangang may background or sobrang ganda ang entry mo para sa monthly challenge. Kahit stick figures pa yan basta mukhang anime at may kinalaman sa tema ng monthly challenge, ayos na yan!

  3. PWEDE ang lumang anime drawing/painting.

    Ibig sabihin, pwede dito yung anime drawing/painting na nasa gallery mo na bago pa magsimula ang monthly challenge na ito, basta nasa tema.

  4. Isulat sa art description na ang drawing/painting mo ay ginawa/ipinapasa mo ngayon para sa monthly challenge ng ating group Pinoy-Anime-Artists

    Ang rule na ito ay isa sa mga paraan para maipakilala ang group natin sa mas malaking audience kaya huwag itong kalimutan.

  5. I-send sa note ang thumb or link ng iyong anime drawing/painting kay sundayAnarchy para ma-invite sa challenge folder ang iyong entry.

    Isulat mo na rin sa note ang tatlo sa mga sarili mong artworks na gusto mong i-feature kasama ng challenge entry mo para ready na ang lahat kung sakaling ikaw ang mapiling winner!

  6. Kung sakali na nasa group gallery na ng Pinoy-Anime-Artists ang iyong artwork na gusto mong i-submit dito sa Monthly Challenge, paki-remove po muna ang iyong entry mula sa group gallery para magkaroon ng chance si kunehoGod na ma-invite ang iyong entry sa Monthly Challenge Folder.

  7. Matatapos ang challenge na ito sa Oct. 30, 2014.

    Huwag mag-post ng comment sa profile page ni kunehoGod or sa kahit saan man sa Pinoy-Anime-Artists tungkol sa iyong challenge entry. Sapat na ang magpadala ng note dahil yon ay mas madaling isaayos kumpara sa mga comments.

  8. Hindi mo na kailangang itanong kung pwede ka sumali sa monthly challenge! Basta't member ka ng Pinoy-Anime-Artists, pwede ang sumali dito.

    Ipo-post ni sundayAnarchy ang winning entry sa susunod na monthly challenge journal. Pwede ka pa ring sumali dito kahit nanalo ka na sa mga nakaraang challenges.



:star: Prizes

  • Bragging rights! //Oh yeah, baby! :squee:

  • Isang buwan kang nasa Challenge Journal at sa profile page ng Pinoy-Anime-Artists

  • Tatlo sa mga anime artworks mo ang ipo-post kasama ng winning entry mo.

  • Exposure!

    Syempre dahil 1 month feature yan, ang dami nang makakakita sa mga artworks mo. Pati ang mga magbabasa sa monthly challenge journal, makikita ang ginawa mo.

  • Pwedeng manalo ng maraming beses :D

  • 100 :points: galing kay andrae0




'Advance Happy Halloween!


:wave: :iconkunehogod: kunehoGod
© 2014 - 2024 Pinoy-Anime-Artists
Comments46
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
Neeko-Tan's avatar
teh pwd ung puso na hinahawakan XD?